Paano Nga Ba Gumawa ng Pera?

Book Review.

Ito ang isinulat ni Bo Sanchez sa kanyang libro “8 Habits Ng Masayang Milyonaryo

Simple lang ang sagot niya:  Know the habits of creating wealth.

Years ago, may nakilala si Bo Sanchez na mga tunay na mayayaman. Hindi lang sila mayaman sa pera. Mayaman din sila sa sa pag-ibig at pag-mamahal. Kahanga-hanga silang mga tao.

Siempre, napatanong si Bo, “Bakit ba sila mayaman?

Ginusto niyang malaman ang mga sikreto nila.  Kaya inobserbahan niya ang mga mayayamang kaibigan niya. Kinausap.  Ini-interview. Pinakinggan. Pinag-aralan.

Nalaman niya na may iba-iba silang set of habits.  Simple rin pala!

Paano Nga Ba Yumaman?

Ginusto niyang malaman ang mga sikreto mg kanyang mayayamang kaibigan. Kaya inobserbahan niya sila. Kinausap. Ini-interview. Pinakinggan. Pinag-aralan. Simple lang pala ang sikreto nila!

At ginaya ni Bo ang mga powerful habits na ito.  Mula sa pagiging mahirap na misyonero, ngayon ay isa na siyang milyonaryo na may  maraming small businesses, pero 10% lang ng oras niya ang ibinibigay niya sa mga ito.

Dahil naka-auto-pilot ang lahat ng negosyo niya, karamihan ng oras niya ay para pa rin sa ministry niya.

Sa librong ito, matututunan mo ang “8 Habits ng Masayang Milyonaryo”, gaya nang…

  • Finding your Emotional Hunger
  • Lagi Kang Maging Agresibo
  • Gumawa ka ng Money Machines
  • Sticking to your Game

Kapag nakuha mo ang kagawian na ito, makikita mong magiging automatic ang wealth creation. Spontaneous. Systematic. Effortless. Fun!

Basahin mo ang librong ito and change your life forever!

Mabibili mo ang “8 Habits ng Masayang Milyonaryo” at ibank mga libro ni Bo Sanchez sa maski anong National Book Store, or online sa Shepherd’s Voice Publication, or sa KabayanCentral.com.  Maari ring mabili ito sa PICC tuwing Linggo, sa labas ng mga venues para sa The Feast @ PICC.

Kung nais mong mag-aral ng Financial Education, maaring magsimula sa isang FREE Financial Coaching Seminar sa Makati

Comments

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.