Who is Gina?
Yes, the title of this article is correct. Gina is The Maid Who Invests in the Stock Market, the subject of Bo Sanchez‘ best selling book.
Bo Sanchez wrote the book, because
EVERYONE OUGHT TO BE RICH!
Gina is a real person, but she is not an ordinary maid. She has been improving herself, graduated at CAP College(distance learning) and now she also does some bookkeeping for Bo Sanchez.
She was a Guest at the first TrulyRichClub Wealth Summit in 2013 and was even featured on ABS-CBN news in January 2015.
Pero pa-travel-travel na rin siya
She started investing P2,000 per month in the Stock Market in February 2010
Today, her stock market portfolio is more than P826,593*
When I was invited to speak in a seminar, I was also asked if I could ask Gina to speak, so I tried to look her up and relayed the request, but she said she is shy, and instead offered to just send a letter.
The letter she wrote is very inspiring, and after reading it during the seminar, I wrote back to her and asked if I could publish her letter.
Here is her inspiring story:
Magandang umaga po sa inyong lahat!
Ako po ay si Gina.
Bunso po ako sa anim na magkakapatid.
Ako po ay taga Negros Oriental, Visayas.
Mahirap lang po ang aming pamilya.
Pagkatapos po ng high school, naisip ko pong mamasukan bilang kasambahay dito sa Manila at sa awa po ng Diyos, ako po ay napunta sa bahay ni Kuya Bo (Sanchez) noong 2003.
Tinanong po nila ako na kung gusto ko ba daw mag-aral ng College at nag-oo po ako kaagad since yun po ang pangarap ko.
Ako po ay pina-aral nila sa CAP College (Distance Learning).
Sa bahay po ako nag-aaral dala po ang mga modules ko at pupunta po sa school tuwing exams at kung may event.
Sila po ang nagbabayad ng tuitions ko at sinasahuran pa rin po ako kada buwan.
Sa hirap po ng buhay sa amin sa probinsiya, lagi po akong nag-aadvance ng sahod sa kanila para pampadala po sa amin. Nakakahiya po since sila na po nagpa-aral sa akin, may sahod pa po ako, nanghihiram pa rin po ako sa kanila.
Nakatapos po ako ng college noong 2009.
Ganun pa rin po ako sa kanila, nanghihiram pa rin po ng pera para sa pamilya ko sa probinsiya.
Wala pong natitira kada sahod.
Wala pong ipon.
Hindi ko po naisip ang pag-iipon.
Ang inisip ko lang po dati ay makapagpadala tuwing sahod.
Siguro po napansin nila Boss na laging ganun lang po ang routine ko pag may pera.
Kaya po noong February of 2010, kinausap po kaming lahat na empleyado dito sa bahay ni Kuya Bo kung papaano po kami makapag-ipon.
Kasi kung babasehan lang po namin yung same routine kada buwan, wala po kaming natitira para sa aming sarili.
Kinausap po kami about sa stock market.
Sa katayuan po namin, wala po kaming alam kung ano po ang stock market.
Basta ang gusto lang po namin ay makapag-ipon habang may tarbaho pa po kami.
So, end of February of 2010, pina-open po kami ng account sa Col Financial.
As first timer po, tuwang-tuwa po kami pag pinapakita sa amin ni Boss ang stocks namin sa COL.
Kaya na-eencourage po kami na magdedeposit tuwing may sahod.
Sa awa po ng Diyos, hanggang ngayon kami po ay nag-iinvest sa stock market at kumikita po ang pera namin.
Ang lagi pong sinasabi sa amin ni Kuya Bo, na kahit gaano kaliit ang sahod ng isang tao basta may disiplina sa paghawak ng pera at hindi maluho sa buhay, makakapag-ipon din.
Kung malaki naman daw po ang sahod tapos wala naman pong disiplina sa pera at maluho sa buhay, mahirap din pong makapag-ipon.
Maliit man or malaki daw po ang sahod basta marunong imanage ang pera, lahat po tayo ay may chance na makapag-ipon para sa pagdating po ng panahon, may makukuha po tayo.
Wala po iyan sa posisyon sa tarbaho, nasa atin po iyan kung determinado po ba tayong makapag-ipon at may makukuha pag tayo ay matanda na.
Ngayon, meron na po akong P800,000+ ** sa Stock Market.

Meet Gina – The Maid Who Invests in the Stock Market. Get a free copy of the book at the TrulyRichClub site
Nagawa po namin bilang kasambay at driver ni Kuya Bo.
Sana kayo din po ay mabigyan ng chance na magawa din po ang nagawa namin.
Maraming salamat po sa inyong lahat.
Gina
We hope this letter from Gina will inspire everybody to start saving and investing. If you want to get a copy of the book go to the TrulyRichClub site
Create Wealth for your Old Age!
Do you want to create wealth in your old age? Let Bo Sanchez teach you how to invest in the stock market. It does not matter how much you make, you don’t have to grow old and poor. You can grow old and rich. It’s really very simple.
To watch this 11-minute video, click here
** According to Bo Sanchez last July 2016, Gina’s portfolio inched above the P1 million mark!
Its very inspirational
Can I also o that at my age now ?